Gaanu kahalaga ang PERA sa ating buhay?
Mabubuhay ka ba ngayon kung wala kang pera? Pera nga ba ang nagpapaikot sa mundo? Magpakatotoo tayo, na malaki ang bahagi ng pera sa ating buhay. Maaring maging masaya tayo dahil sa pagmamahal ng ating pamilya, kaibigan at kasintahan o asawa. Ngunit hindi natin ikaila na may puwang pa rin sa ating kasiyahan kung tayo ay may pera. Sapat man o hindi para sa ating kailangan, pera pa rin ang may dahilan kung bakit tayo makakain o makalakbay man lang. Masakit man isipin na kung tayo'y sabihin na mukhang-pera ngunit yan man ay maging totoo.
Epokrito ka tawagin kung sabihin mong nabubuhay kang masaya kahit mahirap basta't kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Ikanga, aanhin mo ang pagmamahal kung masakit na ang inyong sikmura. Kaya maniwala't sa hindi ang pera ang mahalaga rin sa ating pang araw-araw na ginagawa.
Oo, talagang mahirap ang maging mahirap. Alam natin lahat yan, pero sa ating pagsisikap at paniniwala sa ating sarili na kaya nating suungin ang hirap sa pagtatrabaho maibigay lamang natin ang kailangan ng ating pamilya. Kahit pawis man, luha at dugo ay tumulo sa ating katawan para lang tayo ay may suweldong tatanggapin. Ang lahat ng ito ay kaya nating isaalang-alang sa pera na galing sa ating pinaghirapan.
Tama rin na hidi lahat ng may pera ay masaya. Anhin natin ang pera kung watak-watak naman ang ating pamilya, hindi magkasundo, nag-aaway dahil rin sa pera at ang mas malala pa kung walang katahimikan sa isang tahanan. Kung gulo man ang dulot nito, nanaisin mo na lang na mawala ang mga ito. Subalit dahil dito may magarang kotse, malaking bahay, nakapasyal sa iba't ibang lugar at mas nakakataas ng moral ang pagiging may pera sa lipunan. Mas kilala ka, may sabi ka lahat ng bagay kahit na mali pa man iyan. Ito ang kapangyarihan ng pera lalo na sa taong nakuha lamang ito sa madaling pamamaraan.
Ugat nga raw ito ng kasamaan ngunit ito ay depende sa paggamit at pinanggalingan nito. Ako ay naniniwala na walang masama kung may pera ka, bastat gamitin mo ito sa isang kapaki-pakinabang na paraan. Ang pagtulong sa kapwa ay isang mainam na pagpapahalaga ng pera. Magtayo ka ng negosyo para may tao kang matutulungan at matuto rin silang mangarap sa kanilang buhay. Huwag naman tayo umasa sa bigay ng iba o swerte sa lotto. Huwag rin tayo mainggit bagkus magsikap tayo. Gumawa ka ng malinis na paraan para maging responsableng mamamayan. Ang mas mahalaga anak ka ng Panginoon at hindi ka sumasamba sa yaman man o pera.
Comments
Post a Comment