Anu nga ba ang buhay sa mundo?
Ang buhay ng tao ay hiram lamang ikanga, ngunit anu nga ba ang dapat gawin para mabuhay? Minsan napaisip tayo bakit nga ba tayo na buhay. Dahil ba ipinanganak tayo ng ating mga magulang o sadyang mahal tayo ng Panginoon kaya tayo naririto. Maraming katanungan sa ating buhay na hindi natin mawari ang totoong kasagutan. Ngunit kung tayo ay magnilay-nilay ating malalaman kung anu nga ba ang dahilan bakit tayo humihinga at naglalakbay dito sa mundong ibabaw.
Ito ang simula ng aking akda na mukhang seryoso. Napag-isipan ko kagabi kung anu ang kaya kung gawin na makakatulong hindi lamang sa aking sarili pati na rin sa aking kapwa. At ito ang aking napagtantong dapat gawin, gumawa ng akda na may kabuluhan. Ito rin ang isang pamamaraan ko para makapag-isip ng mga bagay-bagay sa aking araw-araw na ginagawa. Marahil ito rin ang maging dahilan ko para malaman ang aking kapasidad kung anu ang aking nalalaman. Sa buhay, pag-ibig, pananampalataya at iba pa. Minabuti kong gawin ito sa ating sariling wika para mas maintindihan ng nakakarami. Hindi man ako ganun ka dalubhasa ngunit ito rin ang pagsubok sa aking kakayahan. Nawa'y inyong magustuhan at mapulutan ng aral.
Magbalik tayo sa ating paksa, ang buhay sa mundo. Isa sa naging insprasyon ko dito ay nang malaman ko kanina lamang na si Wil Dasovich ay may kanser. Siya ay sikat sa Youtube, naging modelo, aktor at iba pa. Sa aking pagsubaybay sa kanyang mga bidyo at social media accounts, siya ay isang taong walang negatibo. Masayahin, mahilig sa paglalakbay, nag-ehersisyo at kumakain ng masustansyang pagkain. Siguro nakikita ko lang na kulang siya parati sa tulog dahil sa kanyang napiling propesyon. Ngunit bakit nga ba ang saklap naman ang nangyayari sa kanya. Marami pa siyang dapat gawin na maging inspirasyon sa ating lahat.
Ang buhay nga ay isang malaking hiwaga sa atin. Ito ay maging makulay at masagana kung tayo ay naniniwala sa ating kakayahan. Mabuhay ng masaya, may pagmamahal sa kapwa at may paniniwala sa Panginoon. Tayo ay nabuhay para maging magandang halimbawa sa iba. Makatulong ka man sa kapwa mo na kahit isang mungkahi man lamang para mapagaan ang kanyang dinadala ito ay isang dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo. Makikipag-kapwa tao, ang salitang pinakamadaling gawin. Bumati o simpleng ngiti sa kasalubong mo ay isang simpleng halimbawa nito. Kahit papaanu may tao tayong napasaya at siya rin ay maaring makakagawa sa iba.
Sa ngayon, ang buhay ay mas pinadali ng panahon. Maraming teknolohiya ang naimbento para mas mapadali ang ating ginagawa. Tulad rin kaya ng hininga ng tao sa mundo? Mas madali at mas maigsi lamang? Maraming bisyo at disgrasyang maaring pumutol nito, kung hindi lamang tayo maingat sa lahat ng bagay. Sa pagkain man lamang natin, hindi na tayo ligtas sa mga kemikal na nilalaman nito. Pero ganunpaman, ang buhay natin ay mahalaga dahil may pamilya tayong minamahal at nagmamahal sa atin.
May positibong pananaw sa buhay, maging mabait, may papanilig sa diyos at mapagmahal. Ito man ay kulang pa para karapat-dapat tayong mabuhay, ngunit ito ay maaring dahilan kung bakit naging tao tayo na nilikha niya...

Comments
Post a Comment