Mahal mo ba ang iyong BUHAY?

Gaanu kahalaga ba ang kalusugan mo? Naisip mo bang kung anu na kaya ang estado ng iyong katawan. Ang nasa loob nito na hindi natin nakikita, may deperensya na ba o wala pa naman. Pumupunta ba tayo sa doktor para mapasuri natin ito o ipinagwalang bahala lang natin ito? Marami katanungang kay hirap sagutin, kasi hindi lahat tayo ay partikular sa ating kalusugan. Sabi nga ng iba hayaan mong kusa mahilom ang sugat. Oo, tama nga iyan, pero hindi ka ba nangangamba baka may kaakibat itong inpeksyon. Malay mo, baka sa akala mo mabuti na ang sugat pero sa loob nito ay may nagbabadyang panganib. Oo, dapat nga tayo maging positibo sa ating buhay. Pero sa kalusugan ay dapat tayong magsikap para malaman o maagapan man lang ang mga di kanais-nais na mangyari sa atin. Kung may bisyo ka tulad ng sigarilyo man o alak, alam na natin ang dapat nating gawin. At tama rin ang sinasabi nila na mahirap mawala ang bisyo ng tao, lalo't lalo na kung ilang taon rin itong kanyang gawain. Pero pwede i...