Posts

Mahal mo ba ang iyong BUHAY?

Image
Gaanu kahalaga ba ang kalusugan mo? Naisip mo bang kung anu na kaya ang estado ng iyong katawan. Ang nasa loob nito na hindi natin nakikita, may deperensya na ba o wala pa naman. Pumupunta ba tayo sa doktor para mapasuri natin ito o ipinagwalang bahala lang natin ito? Marami katanungang kay hirap sagutin, kasi hindi lahat tayo ay partikular sa ating kalusugan. Sabi nga ng iba hayaan mong kusa mahilom ang sugat. Oo, tama nga iyan, pero hindi ka ba nangangamba baka may kaakibat itong inpeksyon. Malay mo, baka sa akala mo mabuti na ang sugat pero sa loob nito ay may nagbabadyang panganib.  Oo, dapat nga tayo maging positibo sa ating buhay. Pero sa kalusugan ay dapat tayong magsikap para malaman o maagapan man lang ang mga di kanais-nais na mangyari sa atin. Kung may bisyo ka tulad ng sigarilyo man o alak, alam na natin ang dapat nating gawin. At tama rin ang sinasabi nila na mahirap mawala ang bisyo ng tao, lalo't lalo na kung ilang taon rin itong kanyang gawain. Pero pwede i...

Gaanu kahalaga ang PERA sa ating buhay?

Image
Mabubuhay ka ba ngayon kung wala kang pera? Pera nga ba ang nagpapaikot sa mundo? Magpakatotoo tayo, na malaki ang bahagi ng pera sa ating buhay. Maaring maging masaya tayo dahil sa pagmamahal ng ating pamilya, kaibigan at kasintahan o asawa. Ngunit hindi natin ikaila na may puwang pa rin sa ating kasiyahan kung tayo ay may pera. Sapat man o hindi para sa ating kailangan, pera pa rin ang may dahilan kung bakit tayo makakain o makalakbay man lang. Masakit man isipin na kung tayo'y sabihin na mukhang-pera ngunit yan man ay maging totoo.    Epokrito ka tawagin kung sabihin mong nabubuhay kang masaya kahit mahirap basta't kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Ikanga, aanhin mo ang pagmamahal kung masakit na ang inyong sikmura. Kaya maniwala't sa hindi ang pera ang mahalaga rin sa ating pang araw-araw na ginagawa.  Oo, talagang mahirap ang maging mahirap. Alam natin lahat yan, pero sa ating pagsisikap at paniniwala sa ating sarili na kaya nating suungin ang hira...

Anu nga ba ang buhay sa mundo?

Image
Ang buhay ng tao ay hiram lamang ikanga, ngunit anu nga ba ang dapat gawin para mabuhay? Minsan napaisip tayo bakit nga ba tayo na buhay. Dahil ba ipinanganak tayo ng ating mga magulang o sadyang mahal tayo ng Panginoon kaya tayo naririto. Maraming katanungan sa ating buhay na hindi natin mawari ang totoong kasagutan. Ngunit kung tayo ay magnilay-nilay ating malalaman kung anu nga ba ang dahilan bakit tayo humihinga at naglalakbay dito sa mundong ibabaw.  Ito ang simula ng aking akda na mukhang seryoso. Napag-isipan ko kagabi kung anu ang kaya kung gawin na makakatulong hindi lamang sa aking sarili pati na rin sa aking kapwa. At ito ang aking napagtantong dapat gawin, gumawa ng akda na may kabuluhan. Ito rin ang isang pamamaraan ko para makapag-isip ng mga bagay-bagay sa aking araw-araw na ginagawa. Marahil ito rin ang maging dahilan ko para malaman ang aking kapasidad kung anu ang aking nalalaman. Sa buhay, pag-ibig, pananampalataya at iba pa. Minabuti kong gawin ito sa ating...